Muling nanawagan sa publiko si Senator Sherwin Gatchalian para sa agarang pagsasabatas ng panukalang batas na nag-oobliga sa mga nais bumili ng sasakyan na magpakita muna ng pruweba na mayroon silang parking space upang makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila.
Tinukoy ni Gatchalian ang Senate Bill No. 201 (Proof-of-Parking Space Act) na nauna nang iniharap sa Senado.
Reaksiyon ito ng senador kasunod ng pagpapahayag ng suporta sa mas mataas na multang ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa illegal parking.
Tinaasan ng MMDA ang multa nito sa mga illegally- parked vehicles: ang dating P200 ay P1,000 na ngayon.
Naniniwala rin ang senador na malaking tulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila ang nasabing hakbangin ng MMDA.
“The MMDA’s move to impose higher penalties may now prompt motorists to think twice before parking their cars along the streets. However, I believe that we still need a law that will instill a culture of responsible vehicle ownership among Filipinos,” paliwanag nito.
-Hannah L. Torregoza