SUGPON, Ilocos Sur – Sinunog ng mga awtoridad ang isang plantasyon ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa Sugpon, Ilocos Sur.

Kabilang sa sinunog ang 3,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 10, 000 seedlings nito, sa Bgy. Licungan, dakong 7:30 ng umaga.

Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office, sinalakay ng mga operatiba ang nabanggit na plantasyon matapos makatanggap ng sumbong ng mga concerned citizen.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na isinu-supply ng sindikato ang mga tanim na marijuana sa mga karatig na bayan at sa Metro Manila.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng plantasyon.

-Liezle Basa Iñigo