KAHIT pinabulaanan na ni Kris Aquino ang pahayag ni Nicko Falcis na ang huli ang pinagbalingan ng TV host-actress-web star ng emotional baggage nito sa ABS-CBN, at humingi na rin ng paumanhin si Kris sa network sa pagkakadamay nito sa isyu, pinanindigan ni Nicko ang nauna na niyang pahayag.

Nicko copy

Hindi natitinag ang dating tauhan ni Kris sa pagsasabing nagalit ang huli nang mabigyan ang isang ABS-CBN-affiliated website ng access sa media coverage ng pagdalo ni Kris sa Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians noong nakaraang taon.

Nangyari umano ang insidente pagkatapos ng naturang red-carpet event sa Hollywood, Los Angeles, California, noong August 8, 2018.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Nitong Miyerkules ng gabi, eksklusibong ipinadala ni Nicko sa PEP ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ni Kris nang mga panahong iyon.

Nakasaad sa mensahe ni Kris na ang “mistake” ni Nicko ay hinayaan daw nitong magkaroon ng “access” sa nasabing event ang mga taong may kaugnayan sa TV network.

Nabanggit din sa palitan ng mensahe nina Kris at Nicko ang saloobin ng una kaugnay ng kanyang “half-baked homecoming” sa ABS-CBN nang gawin niya ang pelikulang I Love You, Hater, noong Hulyo 2018.

Saad ni Kris sa mensahe niya kay Nicko (published as is): “But Nicko, I hope you see the [heartbreak emoji] isn’t just from your mistake, it’s just a realization na even when what I’ve worked for comes to fruition, I’m still prevented from even just a few days to cherish the victory?”

Sunud-sunod ang balik-sagot ni Nicko kay Kris (published as is): “Madam, you are the true heroine from any angle — unfortunately, you really cannot please everybody.

“Nobody can ever accept that a single person can deliver over 20% of a network’s annual sales.

“Unfortunately, I don’t know what really happened in the past — the multiverse has so much layers — politics, showbiz, competition, management ambition/change in leadership... but the fact of the matter is, you thrived and you became successful.”

Sagot ulit ni Kris kay Nicko: “Nicko since alam mo ‘yun, then why give the people who belittled me—& did a Machiavellian move on me w/ I Love You Hater—have access to me?”

Mayroon ding isa pang text message si Kris na nagsasabing dapat sana’y nasa celebratory mood ito dahil bahagi ito ng internationally successful film na Crazy Rich Asians, at mayroon din nang maglabas ng saloobin si Kris tungkol sa estado ng career nito.

Una nang nabanggit ni Nicko sa panayam ng PEP na ang media manager ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) ang may pagkukulang kung bakit nabigyan ng mga litrato ni Kris ang ABS-CBN.

Sa loob ng 18 buwan, si Nicko ang project director ng KCAP, at nagsilbi ring business manager o endorser closer, talent agent, at business partner ni Kris.

Bilang pinuno ng KCAP, inako raw ni Nicko ang paghingi ng dispensa kay Kris sa nangyari, kahit na iba ang may kasalanan nito.

Ayon kay Nicko, hindi siya nagkulang sa kanyang trabaho upang siguruhing magiging matagumpay ang transition ni Kris sa larangan ng digital media.

“I’m very type A—I’m very productive, and I express things for us to move forward,” saad sa pahayag ni Nicko na iniulat ng PEP. “Unfortunately, there’s a version of her that she’s the dweller... She has a lot of baggage, apparently. And she unleashed all of those on me.”

Muli, mariing pinabulaanan ni Nicko ang reklamong pagnanakaw na isinampa ni Kris laban sa kanya, sinabing bahagi lang ito ng “script” ng aktres upang sapilitan siyang pasunurin sa kagustuhan nito.

-ADOR V. SALUTA