HINDI na napigilan ng It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging ina.

Mariel, Isabela at Robin copy

Sa episode kamakailan ng noontime show, inihalintulad ni Vice Ganda ang isang “Tawag Ng Tanghalan” contestant kay Mariel, bilang ina na sabik laging makasama ang mga anak.

“Gano’n na talaga Meme (Vice) ‘pag meron nang baby. Kaya gets na gets (niya ang contestant),” sabi ni Mariel.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kuwento ni Vice, laging nagmamadaling umuwi si Mariel pagkatapos ng It’s Showtime para makasama na ang anak na si Isabella at ang asawang si Robin Padilla.

“Pagkatapos na pagkatapos ng It’s Showtime, bura agad ng makeup ‘yan, ta’s takbo na siya pauwi. Hindi mo na siya maaaya. Time niya na ‘yun para sa kanyang mag-ama,” kuwento ni Vice.

Maya maya’y hindi na napigilan ni Mariel ang maiyak nang balikan ni Vice ang mga pinagdaanan niya noon.

Dagdag ni Mariel, nagiging mapili siya sa pagtanggap ng trabaho dahil ayaw niyang mabawasan ang oras niya para sa pamilya.

“Kapag may ibang trabaho, kailangan sasabihin ko (sa sarili ko) kung ‘Is it really necessary? Is it worth it? Kasi it is time away from my baby.

“Kasi araw-araw tayo nagtatrabaho, kailangan din naman na meron tayong family time. Lalo na lumalaki sila (mga anak). Hindi na mauulit,” paliwanag ni Mariel.

Sa comment section ng YouTube video ng naturang episode, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang bilib sa actress-host bilang ina.

“Back then when Mariel lost her babies due to circumstances, I know somewhere she had lost her hope for having one but God is really good and I can tell she is really a good mother and will do anything just to keep her daughter in a good place,” komento ng isang netizen.

Matapos ang dalawang miscarriages, nanatiling positibo si Mariel at ang asawang si Robin, at ngayon ay two years old na si Isabella.

-Ador V. Saluta