“THE best thing about telling the truth is that you don’t have to remember what you’ve said.”

Bimby at Kris (DINDO STORY)

Ito ang post ni Kris Aquino sa Instagram kahapon ng madaling araw pagkatapos ng procedures na ginawa sa kanya sa Singapore.

May post din siya ng litrato nila ni Bimby na hinahalikan siya sa noo habang nasa hospital bed siya.

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

“My lead doctor said although battling my autoimmune diseases will be life long, it doesn’t mean I cannot LIVE a complete life. Avoiding my worst allergy triggers, eating healthy, facing whatever stressors may come along armed with faith, and I can still look forward to many years with my sons, and also doing the job I love.

“Just wanted to share positive vibes before lights off. Dr. YK asked for me to have regular, though not strenuous, physical activity. Keeping in mind my limitations & all medication I’m on (most are pang ‘forever’—deep down na giggle po ako because at least sa gamot ko may FOREVER), he suggested walking in the chest deep area of our pool every other day. Bago po ako masermunan, salt filtration & LPG heated po ‘yung pool.

“Bimb said he & kuya (Joshua) will watch over me to make sure I obey & because the only time I’ve been in our pool was while wearing my gown by @michaelleyva_. Please swipe because I included the pics to refresh your memory.

“Bimb said, ‘Mama, if we let you in the pool by yourself, you’ll panic and knowing you, even if your doctor said to just try walking, not even to swim, you realize you could drown because you’re you?’ Memorized na po ni Bunso ang pagkalampa, zero athleticism, at ang likas na kaartehan ng mama n’ya, pero super pa rin ang pagmamahal niya. I know how blessed & loved I am. I was asleep most of Saturday, please don’t scold me for staying up late.

“God bless your Sunday. Bimb reminded me before he slept to please THANK YOU because you care for and pray for the 3 Aquinos, kuya Josh, Bimb, and me.”

Ang daming nanalangin para sa safety ni Kris habang sumasailalim siya sa procedures, at nang i-post niya ang magandang balita ay umabot sa 56,500 ang likes at 2,063 ang lahat ng positive comments at pinupuri nang husto ang bunso niya, na sa murang edad ay hindi natatakot harapin at damayan ang nanay sa lahat ng mga pinagdadaanan niya.

God is really good, sinagot kaagad ang kahilingan ni Kris na mahigit sa pitong taon pa siyang mabubuhay, basta’t susundin lang lahat ang payo na iwasan ang lahat ng nagpapa-stress sa kanya.

Samantala, bago naman ibinahagi ni Kris ang magandang balitang ito ay nag-message na siya kay Bossing DMB: “Your alaga is alive”, na kaagad din nitong ipinost sa kanyang Facebook page.

-REGGEE BONOAN