Madadagdagan ng P102,000 ang suweldo ni Pangulong Duterte sa pagpapatupad ng ikaapat at huling bahagi ng umento sa mga empleyado ng gobyerno.

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Dahil dito, mula sa kasalukuyang buwanang sahod ng Pangulo na P298,000 ay aakyat ito sa P399,739.

Samantala, ang mga empleado naman ng gobyerno na nakatatanggap ng pinakamababang sahod ay mayroong dagdag na P1,000 sa buwanan nilang suweldo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ngayon, hindi pa maipatutupad ang huling installment ng umento sa mga nasa gobyerno dahil nakabimbin pa rin sa Kongreso at hindi pa naaaprubahan ang panukalang national budget para ngayong 2019.

Magugunita na noong nakaraang linggo, nilinaw ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi pa maaaring ipatupad ang umento hanggang hindi pa nararatipikahan ang panukalang budget para sa taong ito.

Ayon sa kalihim, hindi pa maipatutupad ang naturang salary adjustment dahil wala itong legal na basehan hanggang hindi pa naipapasa ng Kongreso ang 2019 national budget, kung saan pinaglaanan ng pondo ang nasabing umento.

Kaya magiging retroactive ang implementasyon ng salary increase, o ipagkakaloob ang kaukulang dagdag-sahod simula Enero ngayong taon kapag naipasa na ng Kongreso ang 2019 national budget at nalagdaan na ito ni Pangulong Duterte.

Una nang tiniyak ng Kongreso na prioridad nitong maipasa ang proposed national budget sa pagbabalik-sesyon sa kalagitnaan ng buwang ito.

Beth Camia