IT’S official! Ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong 2019 ay gaganapin sa Setyembre 11-17, at magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.

Bilang flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang PPP ay isang linggong selebrasyon na ekslusibong magpapalabas ng mga de-kalidad na pelikulang Pilipino sa iba’t ibang genre, sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ito ang mga pelikulang may compelling narratives at elevated storytelling na appealing at makakaengganyo sa marami at iba’t ibang klase ng manonood.

“Excited na kaming isali ang buong bansa sa selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino at ang mas magandang paraan upang gawin ito ay maengganyo natin ang ating manonood na suportahan ang de-kalidad na genre films na espesyal na ginawa para sa kanila,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series, na nilagdaan noong Nobyembre at nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuring na unang pelikulang gawa ng Pilipino.

Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyon sa call for entries ay ipahahayag ng FDCP sa lalong madaling panahon.

-MERCY LEJARDE