Inaresto ngayong Linggo ang isang taxi driver na naaktuhan umanong bumabatak ng shabu sa loob ng nakaparada niyang taxi sa Makati City.

Screenshot_20190113-153829

Kinilala ang suspek na si Jovy Ingalla, 57, may asawa, ng Project 3, Quezon City.

Nakaparada ang Envirocab taxi ni Ingalla (AAJ-6377) sa Apolinario Street sa Barangay Bangkal, Makati, nang mamataan siya nina PO1 Aaron Lorenzo Casauay at PO1 Dalton Bacbac, na noon ay nagpapatrulya, bandang 10:00 ng umaga ngayong Linggo.

Naaktuhan umano ng dalawang pulis na bumabatak si Ingalla sa loob ng taxi kaya inaresto ito.

Probinsya

Lalaki, ibinalandra ang 'birdy' sa 2 babaeng nag-ja-jogging!

Nasamsam umano mula sa suspek ang isang plastic sachet na may shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nakapiit na si Ingalla sa presinto ng Makati City Police.

Jel Santos