HINIHIKAYAT ang mga organisasyon ng Sangguniang Kabataan sa Baguio City na boluntaryong maglingkod sa mga piling drug rehabilitation center bilang kanilang ambag sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
“This is our way of ensuring that we have a part in the maintenance of peace and order. It is the least that we can do since we cannot apprehend criminals as we also need to consider the safety of the young people,” sinabi ni SK Baguio Federation President Councilor Levy Lloyd Orcales, sa Philippine News Agency.
Sinabi ni Orcales, na may akda ng Resolution 394, series of 2018, na hinihikayat ng resolusyon na mapalakas ang pakikiisa ng kabataan sa “nation-building” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahahalagang tungkulin.
“The volunteer programs that will be conducted will increase the youth’s awareness on the ill effects of illegal drug use and substance abuse,” aniya. “This will ensure that the youth will no longer be involved in any drug-related activity.”
Ayon kay Orcales, may 450,000 populasyon ang Baguio, kung saan 25 porsiyento nito ay nasa sektor ng kabataan.
Aniya, ang karanasan ay isang mabuting guro at sa pamamagitan ng personal na makita, makadaupang-palad at makausap ang mga nasa drug rehabilitation, mas maraming matututuhan ang kabataan, na hihikayat sa kanila na huwag masangkot sa ilegal na droga.
Una nang ipinunto ni Orcales ang kahalagahan ng kabataan sa pagsusulong na gawing ligtas ang kanilang mga lugar sa pagsisilbi bilang mga “human CCTV (closed circuit television).”
“With the advancement of technology, the youth uses the Internet as their medium to monitor and report vital information on crimes,” saad sa nauna niyang pahayag.
Nabanggit sa resolusyon ang isang probisyon sa Konstitusyon ng 1987, na nagsasaad na “The State recognizes the vital role of the youth in nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being. It shall inculcate in the youth patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civic affairs.”
PNA