Sinibak ang buong puwersa ng Daanbantayan Police sa Cebu dahil sa matamlay nilang operasyon kontra ilegal na droga noong nakaraang taon.

Naka-formation ang mga pulis sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City. MARK BALMORES, file

Naka-formation ang mga pulis sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City. MARK BALMORES, file

Ito ang kinumpirma ngayong Sabado ni Central Visayas regional police spokesperson, Supt. Maria Aurora Rayos.

Aniya, isinagawa ang pagsibak sa 21 tauhan ng Daanbantayan Police, kabilang na ang hepe nito na si Senior Insp. Adrian Nalua, matapos magalit at madismaya si Central Visayas Police director Chief Supt. Debold Sinas sa resulta ng anti-illegal drugs operations ng mga ito sa buong taon ng 2018.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabigo, aniya, ang grupo ni Nalua na malansag ang sindikato ng droga sa lugar at nagsagawa lang ng 11 drug operations sa buong taon.

“All of them were ordered replaced,” ayon kay Rayos, sinabing pinalitan na ni Chief Insp. William Homoc si Nalua.

Ayon pa sa kanya, nagtalaga na rin ang pamunuan ng pulisya ng 28 magiging tauhan ni Homoc.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Daanbantayan nang idawit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde nito na si retired Gen. Vicente Loot, sa illegal drug trade na itinanggi na ng huli.

Nakaligtas din si Loot sa pananambang noong Mayo ng nakaraang taon, na isinisi nito sa alegasyon sa kanya ng Pangulo.

Aaron B. Recuenco