MAKALIPAS ang apat na taon at anim buwang pagkakakulong ay isa nang “free man” si ex-Senator Bong Revilla, Jr. simula nitong Disyembre 7, 2018.

Lani & Bong copy

Sa unang pagkakataon na humarap si Bong sa entertainment press/bloggers/online writers ay kitang-kita ang kasabikan niyang muling makapiling ang lahat, na inamin din naman niya: “Na-miss ko kayong lahat.”

Sina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu (Marichu) Vera- Perez Maceda ang nag-sponsor sa pananghaliang ipinatawag nila para kay Bong. At dito rin nabanggit na kakandidato siyang muli bilang senador, sa eleksiyon sa Mayo 13.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Four years and almost six months, at saka isang taon na walang tigil na paggulpi at pagwasak sa aking pangalan. Halos anim na taon ang nawala sa aking buhay.

“Kung kukuwentahin mo, I’m now 52 years old, so 10% ng buhay ko ang parang nawala sa akin. Pero gayunpaman, ito’y masakit, mahapdi na karanasan, but this will make me a better person, a better leader, and a better husband to my wife.”

Sa panayam namin kay Bong kasama ang ibang katoto ay naikuwento niyang nagsimula ang gusot nang ihayag ng kapartido niya ang plano niyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

“Very painful. ‘Yun talaga. In fact, napagsabihan na ako ng isang senador diyan, ‘huwag kang magdedeklara nang maaga’. In fact, ang nagsabi sa akin noon, si Ninong Manny Villar, which is true.

“In-announce lang ng isang kapartido ko that I will be running for a higher position, hindi nagtagal, 2 weeks, 3 weeks, boom, boom, boom, wala nang tigil.

“Sabi ko nga, gusto ko nang kalimutan ‘yun, let’s move forward. Isipin na lang natin, para sa bayan,” kuwento ni Bong.

At kahit gaano kasakit ang lahat ay napatawad na niya ang lahat ng taong gumawa ng hindi maganda sa kanya.

“It’s so painful, painful experience but sana, huwag nang maulit. Dahil itong ano na ‘to, pinatawad ko na sila. ‘Pagka magbebenggahan pa kami, ang maaapektuhan lang, taumbayan, eh,”saad ng dating senador.

Ang tatay ni Bong na si ex- Senator Ramon Revilla, Sr. ang nagsabing patawarin na niya ang lahat na nagkasala sa kanya.

“Naluha ako nun’g sinabi niya sa akin ‘yun, pero I have to listen to him. Parang Diyos na rin ang nagsalita. Kung ang Panginoon nga, nakakapatawad, ang tao pa kaya?

“I just hope na huwag nang maulit. At maging sa mga kababayan natin na hinusgahan din ako noong una. Sana po, tama na po. Masakit na po ang dinanas ng aking pamilya, ‘yung sa akin, grabe, hindi biro.

“Lahat ng santo, lahat ng Diyos, tatawagin mo. Pero ang Panginoon talaga, hindi Niya ako pinabayaan,” malumanay na pahayag ni Bong.

Buon g pagmama l a k i n g ikinuwento ni Bong ang mga nagawa ng asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado habang nasa loob siya ng Camp Crame Custodial Center, at doon niya nakita kung gaano siya kamahal nito. Hindi siya iniwan sa lahat ng laban.

“Siya ang tumindig na ina, tatay ng tahanan, ibang klase. Siya ‘yung umiikot sa buong bansa para ikampanya ako noong unang nagdeklara ako na tatakbo ako.

“Habang napapanood ko ‘yun sa TV, du’n ako naano, sabi ko, hindi ako nagkamali ng pagpili sa kanya bilang asawa ko,” kuwento ni Bong.

Nabanggit ding walang planong tumakbo ulit sa pulitika si Bong, pero 90 days bago ang promulgation ay may nagpakita sa kanilang mag-asawa ng latest survey na nasa number 8 at 9 siya sa pagkasenador kaya napaisip ulit siya.

“Gusto ko lang makalaya para makasama ko ang pamilya ko, tapos biglang may nagpakita nga ng survey (results). So sabi ko, may dahilan. Kailangan ako ng taumbayan. Divine providence lahat.”

Kaya naman paglabas niya ng custodial center ng 5:00 pm ay dumiretso siya kaagad sa Simbahan.

“Dumiretso ako sa church. Dapat sana didiretso rin ako sa mommy ko (puntod) pero sobrang trapik, tapos si Daddy naghihintay na rin sa bahay. So dumiretso na ako, tuwang-tuwa siya sa pagsalubong niya sa akin, umiiyak siya sa tuwa, punumpuno ng kaligayahan.

“‘Yun ‘yung wish talaga ng Daddy ko. Sabi niya, ‘finally you’re home, welcome.’ The next day na ako nakadalaw sa mommy ko,” kuwento ni ex-Senator Bong.

Nabanggit pa nu’ng sinabi raw na December 7 ang promulgation niya ay 90 days siyang hindi na mapagkatulog at hindi pa rin nakaka-recover.

“Yung pagod, stress lahat na. Kaya nag lost din ako ng weight. Siguro mga 15-20 pounds nawala,”sabi pa.

Sa mga panahong nasa loob ng custodial center si Bong ay wala siyang ginawa kundi mag-exercise araw-araw para magpapawis.

“Maski nakapikit ako, sa ulo ko na lahat ng sulok, pati mga ipis na lumilipad,,” natawang sabi niya.

At dahil matagal ding nawala sa showbiz ay aminadong sobrang nasabik siya, kaya naman habang nasa loob ay nakapagsulat siya ng limang script ng gagawin niyang pelikula.

Base rin sa panayam sa dating senador ay gagawa siya ng pelikula pagkatapos ng eleksiyon, at wala pa siyang leading lady. Pero nagbiro siya na puwedeng si Vice Ganda ang katambal niya at ang direktor ay si Rico Gutierrez.

“Gusto ko siyang bigyan ng break,” sabi sa amin ni Bong.

Bukod dito ay sure na ring gagawa siya ng pelikulang isasali niya sa 2019 Metro Manila Film Festival, at nag-iisip pa sila kung anong genre, dahil maraming nagsasabing action o kaya ang naging buhay niya sa loob ng kulungan. Pero naisip ni Bong na dapat masaya kaya posibleng action comedy.

A s o f n o w a y naglilibot na si Bong kasama ang team niya sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas.

Na b a n g g i t di n ni Mayor Lani na sasama siya sa Koronadal City para mag-courtesy call kay Mayor Sara Duterte.

-Reggee Bonoan