Inaasahang magiging malakihan ang itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, na posibleng lumampas sa dalawang piso ang idadagdag sa kada litro ng diesel.

Kuha ni MARK BALMORES

Kuha ni MARK BALMORES

Kasunod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, inaasahang magdadagdag ng P2.00-P2.05 sa kada litro ng diesel ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Aabot naman sa P1.30-P1.35 kada litro ang itataas sa gasolina, habang nasa P1.75-P1.80 ang madagdag sa kada litro ng kerosene.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Masasabi namang hindi maganda ang timing ng big-time oil price hike ngayong linggo, dahil ito rin ang panahon kung kailan magpapatupad na ng karagdagang P2 kada litro na excise tax sa petrolyo ang karamihan ng mga gasolinahan sa bansa, alinsunod sa ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-singil sa Martes, Enero 15—at posibleng pagsabayin ng ilang gasolinahan ang price hike at ang itinaas na excise tax.

Una nang na-monitor ng Department of Energy (DoE) na ilang kumpanya ng langis sa Metro Manila ang mas maagang nagpatupad ng dagdag-buwis sa petrolyo, kahit hindi pa dapat.

Nagbabala si Energy Secretary Alfonso G. Cusi sa mga kumpanya ng langis laban sa “profiteering” ay nagpakalat siya ng mga grupo para magsagawa ng spot checks sa pagpapatupad ng mga gasolinahan sa Metro Manila ng karagdagang excise taxes.

Naisilbi na rin ng DoE ang show-cause orders sa nasabing mga kumpanya ng langis, kabilang ang Petron Corporation, Flying V, at Pilipinas Shell Petroleum Corporation.

Myrna M. Velasco