ALIW na aliw ang netizens sa reaksiyon ni Ogie Diaz sa interview kay Ricci Rivero, isang baguhang young actor na nagsabing okey lang daw na makatambal nito si Liza Soberano basta swak sa schedule nito.

LizQuen

“Wait lang, Ricci, ha? Inom lang muna ako ng 3 liters of water,” caption ng manager ni Liza na as of press time ay may 1,700 reactions, 205 shares at 45 comments na karamihan ay nagtatanong kung sino si Ricci Rivero.

Hindi pa namin nakikilala o nakakapanayam sa personal si Ricci pero mukhang mabait na bata naman, baka hindi pa lang masyadong nabibigyan ng briefings sa buhay o kalakaran sa show business.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, excited na ang moviegoers sa bagong pelikula nina Liza at Enrique Gil under Black Sheep. Lalo pa itong pinag-usapan ng millennials nang ilabas ni Antoinette Jadaone, scriptwriter at direktor nila, ang tulang ito sa social media bilang caption sa inilabas na poster:

“Traydor ang mga alaala. Magpapaalam sa ’yo hanggang makalimot ka. Pero eksakto. Sa puntong sinabi mo na sa sarili mong wala ka nang isasaya pa, lilitaw siyang muli. Na mula sa malayo pa lang ay kilalang-kilala mo na. At paglapit nito sa ’yong harapan, babalik ka sa pamilyar na lugar. At ikaw ay mamamatay na naman. Tuloy, takot ka nang maging masaya. ‘Pagkat traydor ang mga alaala.”

Mga estudyante sa University of the Philippines ang roles nina Liza at Enrique, sa UP nag-aral at nagtapos si Direk Tonet noong 2006 si (Film and Audio-Visual Communication), cum laude, kaya marami ang humuhula na baka autobiographical ang Alone/Together.

Sinulat ni Direk Tonet ang tula noong estudyante pa siya. Ayon sa mga nakabasa sa tula, mukhang emotionally-charged ang inihahandang LizQuen movie.

Inalam namin ang characters ng dalawang bida. Gaganap bilang Raf si Enrique at si Christine naman si Liza Soberano na magkabaligtad ang personalidad. Driven at seryoso sa buhay at sa inaabot na pangarap si Christine samantalang petiks lang si Raf.

Si Direk Tonet ang gumawa ng hugot blockbusters na That Thing Called Tadhana at Love You to the Stars and Back kaya umaasa ang moviegoers na ngalngalan na naman sila habang nanonood ng Alone/Together.

Karamihan sa millennials isinusumpa ang mga pelikulang pabebe, mas gusto nilang realidad pa rin ang pinanonood.

Mas wasakan ng puso na love story, mas dinudumog nila.

-DINDO M. BALARES