PINAGBIDAHAN ni Recarte Tiauson, isang Technical Support Representative ng RingCentral, ang katatapos na Feast of the Black Nazarene Open chess championships na tinampukang Alay sa Mahal na Poong Nazareno na ginanap sa Quiapo Dental Clinic sa Z.P. De Guzman Street, Quiapo, Manila nitong Miyerkoles.

Suportado nina Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao at RingCentral Director Joey Llanko, tumapos ang Talisay, Negros Occidental native g 65.5 points sa 24 oras na labanan sa double round robin Open tournament na ipinatupad ang eight minutes play to finish time control format para makuha ang titulo laban kina Don Tyrone "Turon" Delos Santos (64.5 points) at Sherwin Tiu (63.5 points).

Sa paghahari sa Feast of the Black Nazarene Open chess championships ay naiuwi ni Tiauson ang P3,000 habang nagkasya naman sina Delos Santos at Tiu went sa P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa natamong tagumpay, lubos ang pasasalamat ni Tiauson sa mga organizers at sa kanyang mga tagasuporta.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“I’m so happy for the win. I never expected to win the Feast of the Black Nazarene Open chess championships." sabi niTiauson.

Ang two-day event ay inorganisa ni seven-time Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor.

Samantala ay nakatuon na si Tiauson sa nalalapit na 9th HDBANK Cup International Open Chess Tournament sa Marso 3 hanggang 13 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.