Isang terorista ang naaresto ng mga awtoridad na posible sanang naghasik ng kaguluhan sa Metro Manila nitong Pasko.

NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar

NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang suspek na si Jeran Aba, alyas “Paito Pangadaman Liwal’g” at “Abu Sinan”, na umano’y miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI), isang Islamic State (ISIS)-inspired terror group na nakabase sa Mindanao na pinaniniwalaang nasa likod ng mga pambobomba sa bansa.

Paliwanag ni Eleazar, si Aba ay dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa panulukan ng Quezon Boulevard at Norzagaray Street sa Quiapo, nitong Disyembre 25.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Mismong mga opisyal ng barangay ang nakapansin kay Aba dahil may nakasukbit na baril sa beywang nito habang bumababa sa tricycle sa nasabing lugar.

Agad na isinuplong sa mga nagpapatrulyang mga awtoridad ang insidente.

Nang imbitahan sa presinto, tinangka pa umanong lumaban ni Aba sa mga awtoridad.

Nang kapkapan, nakuha umano sa pag-iingat ni Aba ang isang baril at isang granada.

Nang isailalim sa interogasyon, inamin ni Aba na dati siyang kaanib ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2016.

Aminado rin si Aba na kasama siya ng Maute-ISIS na kumubkob

Marawi City noong 2017.

"He was planning to conduct an IED [improvised explosive device] attack in the NCR during the holiday season and incoming festivals," sabi pa ni Eleazar.

Martin A. Sadongdong