NAKA-one-on-one interview ni Yours Truly ang mukhang bata, sariwa at maganda pa ring misis ni Senator Bong Revilla, Jr. na si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

“Mayor Lani, gaano ang katuwaan mo nu’ng lumabas na sa kulungan si Sen. Bong?” unang tanong ni Yours Truly.

“Ah, sobra-sobra. Parang may sibat na tinanggal sa puso ko. Na matagal nang nakatarak for four and a half years, grabe talaga.

“Puwera pa ‘yung one year na inaano na kami. ‘Yung pino-prosecute na kami, ‘yung inaakusahan, bina-bash sa mga social media, ganun,” pagbabalik tanaw ni Mayor Lani.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kumusta siya ilang araw bago ihayag ng Sandiganbayan ang hatol sa kasong plunder ng kanyang mister?

“Alam mo, nakaka-stress. Kasi hindi mo talaga alam kung paano na-appreciate nu’ng justices ‘yung kaso.

“In our hearts, we feel, we are innocents. But ano ang iniisip ng iba? Sabi nga ni Bong, paano kung pumasok ang pulitika? Dun nagkakaroon minsan ng problema kapag napulitika ka.”

Sa palagay ba niya, ibinigay ni Lord ang nasabing pagsubok sa kanilang pamilya?“God give us certain events in our lives for a certain reason. Pinagtitibay lang siguro kami ng panahon. Pero siguro may mensahe sa amin ang Panginoon.

“Nu’ng nangyari ito talaga sa amin, sinabi ko sa mga anak ko, ‘total surrender natin lahat sa Panginoon’. We have no one to turn to but God.

“Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na naitaguyod ko ang pamilya ko na wala siya (Bong) sa tabi ko. It’s very difficult. Dalawang election ang dinaanan ko na wala siya sa tabi ko. Napakahirap. Napakahirap.”

Do you think, both of you, kayong mag-asawa, God gave you wisdom to purify your minds and wisdom to be reachable by people na nangangailangan nang inyong tulong?

“Oo. Totoo. Totoo. I think ginagamit kami ng Panginoon. We are all instruments to help people, to touch lives, especially the needy ones,” pagtatapos ng First Lady ni Senador Bong.

Sa true lang, madali naman talagang lapitan ang mag-asawang Bong at Lani, pati na rin ang kanilang mga anak at mga kapatid ng mga taong in need of their help, in pernes.

So, may your tribe increase, Senador Bong Revilla, Jr. and Mayor Lani Mercado-Revilla and more power to help the needy ones and be God instrument this year 2019!

-MERCY LEJARDE