MULI na namang nagpa-interview ang Falcis brothers na sina Nicko at Atty. Jesus, sa magkahiwalay na araw, tungkol sa paulit-ulit na pagtanggi nila na walang naibulsang pera ang dating managing director ng KCAP, na pag-aari ni Kris Aquino.

Sa panayam kay Atty. Falcis ng PEP, iginiit niyang Certified Public Accountant (CPA) ang kuya niyang si Nicko, at lahat ng gastusin nito, partikular sa paggamit ng credit card, ay documented.

Ang bagong dapat sagutin ngayon ng magkapatid ay ang P40- million investment sa Nacho Bimby at Potato Corner na ipinagkatiwala ni Kris kay Nicko.

Base sa pahayag ng KCAP President-CEO, ilang beses niyang hinihingan ng report si Nicko tungkol dito pero walang ibinibigay. At sa halip ay kung anu-anong bagong isyu ang binabanggit ng magkapatid, tulad nang ikuwento ni Nicko na may komisyon siyang hindi pa ibinibigay si Kris, na umabot daw sa P9M.

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

Okay, halimbawang totoo nga ito, hindi ba’t mas malaki ang P40M na dapat ipaliwanag kung saan napunta?

Nabanggit din ni Nicko na sobrang sumama ang loob ni Kris dahil half-baked ang pagbabalik nito sa ABS-CBN; kesyo hindi raw nito nakita ang mga taong gustong makita sa presscon noon ng pelikulang I Love You, Hater.

Kuwento ni Nicko sa PEP: “Star Cinema did really welcome her. But there was just some missing individuals. Yes, all her previous managers, I think. I guess all the old people that she is used to seeing. Nobody’s there.”

Sina Boy Abunda, na manager ni Kris sa pelikula at commercials, at Deo T. Endrinal naman ang in-charge sa TV shows, ang tinutukoy na previous managers.

Sa mga hindi nakakaalam ay maganda ang relasyon ng Queen of Online World sa mga nabanggit nang magpaalamanan sila sa isa’t isa. Kahit kailan, sa loob ng 18 years na pagma-manage kay Kris ni Deo at 14 years ni Tito Boy, ay hindi sila nagkaroon ng problema sa pera.

Idinamay din ni Nicko ang relasyon ni Kris sa ABS-CBN management: “I do not know her life during ABS-CBN—but, those were her rants to me.”

As expected, kahit nasa Singapore si Kris para sa series of tests ng medical condition niya ay isa-isa niyang sinagot ang mga pinagsasabi ni Nicko.

“I can admit to heartbreak that it ended not in the way I wished with ABS. But did ABS-CBN ever steal money from me? I am HONEST enough—I earned much, hundreds of millions in my years with ABS-CBN. I am proud, malaki rin ang naakyat kong pera sa ABS-CBN. Kung finances ang paguusapan, wala kaming issue.

“And nobody can erase history. Sabay nakulong si Tito Geny Lopez and my Dad (Ninoy Aquino) during Martial Law. Kung ano man ang mga issues of misunderstanding, Tito Manolo & Tita Maritess Lopez loved mom. Their youngest son Mark is now chairman. I said this & I stand by it, when someone did good for my mom, (in this case- SOBRANG LOVE & RESPECT ang ibinigay nina Tito Manolo & Tita Maritess to Mom) I’ll stop my worst impulses, because of my mom & her memory.

“I stated, for my sons & the memory of my parents I can HUMBLE myself. In this instance ‘WAG IDAMAY ang ABS CBN. ‘Wag ilihis ang issue.

“From my heart, to Chairman Mark Lopez (most especially his parents) & President/CEO Carlo Katigbak, I apologize nadamay kayo sa gulo. You deserve for me to stand up and give you the high esteem you rightfully deserve.”

And for the record, nagkita sina Kris at ABS-CBN President/ CEO Carlo Katigbak, kasama ang wife ng huli, sa Tokyo, Japan at nagkuwentuhan para sa “tsaa time”.

-REGGEE BONOAN