PARA sa mahusay na actor na si Ken Chan, red-letter day sa kanya ang Tuesday, January 8, 2019, dahil dalawang bagay ang magpapaalaala sa kanya ng araw na ito: Una ay ang third anniversary ng pagpanaw ng kinilala niyang ama sa showbiz, si Master Showman German Moreno at pangalawa ang pagpirma niya ng contract sa GMA Music.

Ken copy

“While the former contrasts the latter in sentiment, these two memories hold great meaning to me and will stay with me forever. I wanted to take the chance to thank Kuya Germs for everything that you have done for me to get to this point and to thank GMA Network, GMA Artist Center and GMA Music, for your continued trust and belief in me. May the glory be all His. Maraming salamat po sa inyo. God Bless.”

Maganda ang boses ni Ken at nagagamit niya ito kapag nagpu-promote siya ng mga teleserye kapag may mall shows sila. Inamin niyang matagal na niyang dream na mapansin ang boses niya at maging recording artist. At natupad na iyon.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Isa ring mahusay na aktor si Ken kaya naman maraming tagasubaybay ang natutuwang-naawa sa Afternoon Prime drama series ng GMA-7 na My Special Tatay.

Bukod kasi sa role niya na may intellectual deficiency, nagkaroon siya ng asawa (Rita Daniela) na hindi concerned sa kanya sa simula hanggang sa magkaroon sila ng baby boy, si Baby Angelo, na mahal na mahal niya.

Hindi ba hirap si Ken as Boyet lalo na kapag karga niya si Baby Angelo?

“Hindi po naman, pinag-aralan ko naman ang character ko at para ngang normal na lamang ako sa mga eksenang ginagawa ko,” nakangiting sagot ni Ken. “Saka ini-enjoy ko po si Baby Angelo na parang baby brother ko. Hindi po kasi namin problema ang baby namin dahil napakabait niya, hindi siya umiiyak at kung minsan, nagri-react siya kapag kinakausap ko siya sa eksena. Five months old pa lamang kasi siya. At kung minsan nga, nakikita ko na lamang siyang tulog habang karga ko.”

Nagpasalamat si Ken sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa My Special Tatay araw-araw, tuwing 4:15 PM sa GMA 7, after ng Ika-5 Utos.

-Nora V. Calderon