Maaaring ipatupad ng Commission on Audit (CoA) ang kanilang auditing protocols sa mga proyekto basta hindi nito maaapektuhan ang mahahalagang proyekyo ng pamahalaan.

Ito ang naging reaksiyon kahapon ng Malacañang kasunod ng biro ni Pangulong Duterte na dukutin at pahirapan ang mga opisyal ng CoA.

Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dismayado lang ang Pangulo sa naging paghihigpit ng ahensiya, na nagreresulta sa pagkabalam ng mga proyekto ng gobyerno, gayung malaya namang magkaroon ng “creativity and dexterity” ang CoA sa pagtupad nito sa kanilang mandato.

“We have an action man President who is visibly irked with inefficiency and delays in the delivery of public service which can be avoided by CoA’s application of strict rules liberally but not in derogation of what the law requires and still within its ambit,” ayon kay Panelo.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

“Auditing protocols can be observed without derailing government projects. It requires creativity and dexterity but always within the impositions required by law,” dagdag niya.

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte sa CoA kasabay ng pagbibiro na dukutin at pahihirapan ang mga auditor nito, dahil napapabagal umano ng komisyon ang pagsasakatuparan ng mga programa ng pamahalaan dahil sa mga inilalabas nitong audit circular.

-Genalyn D. Kabiling