Sinibak ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, sa puwesto ang deputy commander ng Gandara Police Community Precinct (PCP) sa Maynila dahil sa pananakit umano nito sa tatlong bagitong pulis sa kasagsagan ng Traslacion nitong Miyerkules.

Kuha ni Kevin Tristan Espiritu

Kuha ni Kevin Tristan Espiritu

Ayon kay Eleazar, inilagay muna niya sa floating status sa MPD Headquarters Support Unit si Chief Insp. Alden Panganiban habang isinasagawa ang imbestigasyon laban dito.

Wala pa aniyang pormal na reklamong inihahain laban kay Panganiban.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Matatandaang si Panganiban ay inireklamo ng tatlong bagitong pulis, na bahagi ng augmentation force ng NCRPO para sa Traslacion, matapos umanong paluin ng dos-por-dos ang kanilang mga daliri nang hindi kaagad nila makontrol ang pagdagsa ng mga deboto ng Poong Nazareno sa pinuwestuhan ng mga ito sa Escolta.

Nangyari ang insidente habang abala ang lahat sa prusisyon, dakong 6:00 ng umaga.

Hindi muna nagpabanggit ng pagkakakilanlan ang tatlong pulis, na pawang nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit ng NCRPO.

Mary Ann Santiago