MAY mga bagong regulasyon na ipatutupad ang Philippine Basketball Association ngayong Season 44 na magbubukas sa Linggo (Enero 13).
Ang implementasyon ng mga nasabing bagong rules ay bahagi ng pagpupursigi ng liga na mas mapabilis at gawing mas exciting ang mga PBA games.
“We’re looking forward to an exciting PBA Season 44 with all the changes and improvement in team lineups, and the changes and improvement in our rules to make the game more exciting,” pahayag ni PBA chairman Ricky Vargas.
“We took into consideration many things in coming up with this, foremost is to make the game better for the better appreciation of our fans,” wika naman ni PBA commissioner Willie Marcial.
Ang tatlo sa pangunahing rule changes ay ang sumusunod:
1.) Goal-tend review sa duration ng laro. 2.) Paggamit ng FIBA rule sa traveling violation and 3.) At ang verbal calls ng mga coaches sa player timeouts.
“Puwede na ngayon pag tumawag ng timeout ang coaches, hindi na gesture lang,” aniya.
Hinggil naman sa tournament format, parehas pa rin ang gagamitin sa Philippine Cup noong nakaraang taon kung saan lalaro ang 12 teams sa single-round-robin eliminations kung saan ang top 8 teams ay uusad sa quarterfinals at eliminated ang lower 4 squads.
Ang top 2 teams ay may twice-to-beat advantage kontra No. 8 at No. 7 teams habang ang No. 3 ay makatapat ang No. 6 at ang No. 4 ay makakalaban ng No. 5 sa best-of-three quarters.
Ang semifinals naman ay best-of-seven series habang ang Finals ay best-of-seven series din.
-Marivic Awitan