INI-RELAUNCH kahapon ang AksyonTV sa People’s Palace sa Greenbelt 3. Mula sa dating pangalan, tatawagin na itong 5 Plus.

Coach Chot copy

Ayon sa Presidente at CEO ng network na si Vincent “Chot” Reyes, sa repositioning ng sister channel ng TV5, pangunahin nilang misyon ang paghahatid ng atypical sports at sports-related content para sa younger at more adventurous audience.

“We are excited to start the new year with the launch of TV5,” sabi ng big boss ng Singko.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

“Then intent was to create a home for what we call atypical sports, titles with a highly engaged audience base that don’t typically receive visibility of this scale. Expanding our sports coverage also enables us to attract a new audience, the younger sports fan. Five (5) Plus aims to serve content that resonates with the pace of their active lifestyle, and is in line with their varied interests. The combination of both 5 and 5 Plus allows us to cement and expand further our foothold in sports.”

Sa Enero 13, Linggo ang kanilang initial telecast.

Sa susunod na Linggo, Enero 20 simulcast sa GMA-7 na mapapanood sa 5 Plus ang laban ni Manny Pacquiao kay Adrien Broner.

Kasama sa rebranding ng channel ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang institusyon upang maihatid sa sports community ang pinakamalalaking sports events.

Aktibo ang suporta nila sa Gilas at ganito na rin ang gagawin nila sa iba’t ibang laro lalo na ang boksing, mixed martial arts at iba pang fight events.

“Ve r y spe c i f i c na ang positioning at target audience namin,” dagdag pa ni Coach Chot. Lalo pa nilang palalakihin ang coverage sa “esport” o online video sports na kinahuhumalingan ng kabataan.

Ipapalabas ng 5 Plus ang biggest international esport tournaments sa Dota 2, Mobile Legends, at Tekken.

Tuloy pa rin ang coverage ng channel sa extreme sports, at college sports.

Lumakas nang husto ang image ng TV5 bilang sports channel simula nang maging partner nila ang ESPN.

Gusto itong kapitalin ng management ng network kaya nila ini-relaunch ang 5 Plus.

-DINDO M. BALARES