Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 945 bagong kaso ng HIV-AIDS infection sa bansa nito lamang Nobyembre 2018.

Inilabas ng kagawaran ang nasabing datos matapos na ihayag ng gobyerno na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Philippine HIV and AIDS Act.

Batay sa HIV/AIDS & Art Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-Epidemiology Bureau noong Nobyembre, sa nasabing bilang ay 18 porsiyento, o 174 kaso, ang may clinical manifestations ng advanced HIV infection, at 95% o 900 sa mga ito ay lalaki.

Ang mga biktima ay may edad isang buwan hanggang 71, at ang median age ay 27.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang 48%, o 456 kaso, ay nasa 25-34 anyos lang; at 32%, o 299 kaso, ang nasa edad 15-24 nang isagawa ang pagsusuri.

Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region (NCR), na nasa 29% o 272 kaso, kasunod ang Region 4A (14%, 131 kaso), Region 3 (13%, 119), Region 6 (8%, 77), at Region 7 (8%, 77).

“Sexual contact remains the predominant mode of transmission (96%, 911 cases). Among this, 88% were males who have sex with males (MSM). Other modes of transmission were needle sharing among injecting drug users (2%, 18) and mother-to-child transmission (<1%, 6 cases). There were 10 cases that had no data on mode of transmission,” saad sa ulat ng DoH.

Kabilang din sa mga bagong tukoy na kaso ng HIV-AIDS ang anim na buntis, na ang tatlo ay taga-Metro Manila, habang ang tatlo pa ay mula sa Regions 4A, 6 at 7.

Sa nasabing bilang 37 ang iniulat na nasawi dahil sa AIDS.

Sa kabuuan, ayon sa DoH, umakyat na sa 10,550 ang mga tinamaan ng sakit mula Enero hanggang Nobyembre 2018.

-MARY ANN SANTIAGO