MAGANDANG buwena mano ngayong taon para Pilipinas ang pagkakapanalo ng pambato ng ‘Pinas, si Francesca Taruc, sa Miss Tourism World Intercontinental pageant na ginanap sa Nanjing, China nitong Martes.

1Francesca copy

Nasungkit din ng beauty queen ang “Best Body” award sa preliminary round ng nasabing timpalak.

Ang kandidatang kinatawan mula sa Tatarstan ang tinanghal na first runner up habang si Miss Ukraine naman ang second runner up.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Tubong Angeles City, Pampanga, si Francesca rin ang kinatawan ng bansa sa Miss Freedom of the World 2018 na ginanap sa Kosovo noong July 2018. Nagtapos siya ng Mass Communications degree sa Holy Angel University sa Pampanga at bukod sa pagiging beauty queen, si Francesca ay isa ring modelo at vlogger.

-DIANARA T. ALEGRE