BAGO magpakilig si Jennylyn Mercado sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two kasama si Gabby Concepcion, mapapanood muna siya sa isang episode ng Magpakailanman sa role ng isang lesbian na nagkaroon ng anak. Sa Sabado, January 12, mapapanood ang episode.

Jennylyn copy

Para mas maging credible sa ginampanang role, nagsuot ng wig si Jennylyn, laging naka-cap at maluwag ang mga damit na isinuot sa taping. Kahit asiwa sa suot na wig, cap at maluwag na damit, walang reklamo si Jennylyn dahil kailangan niyang gampanan nang maayos ang role at karakter na ipinagkatiwala sa kanya.

May lumabas nga siyang pictures na kuha sa taping na nasa anyo na mukhang lesbian. In fairness, busy ang 2019 ni Jennylyn dahil bukod sa rom-com series nila ni Gabby, gagawin niya ang horror movie sa Reality Entertainment na Keepers, sa direksyon ni Erik Matti. Last year pa dapat ginawa ni Jennylyn ang pelikula, pero naging busy siya at busy din naman si Direk Erik sa rami ng ginagawang pelikula, kaya naurong for this year ang Keepers.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

Going strong din ang relasyon nila ni Dennis Trillo at close na si Jennylyn sa pamilya ng aktor. Matatandaan

na nagbakasyon sila ng mother ni Dennis na si Mrs. Rita Ho sa Italy noong Christmas at New Year. Cute, kasi salitan sila ni Dennis sa pagsi-celebrate ng holidays with their respective families.

Sa interview kay Jennylyn, nabanggit niya na balak nila ni Dennis na magsosyo para magtayo ng shop para sa Chunky Dough cookie business ni Jennylyn na sa ngayon ay online pa lang available.

Magsososyo sina Jennylyn at Dennis sa negosyo, obvious na hindi sila naniniwala sa kasabihang malas sa magkarelasyon na hindi pa mag-asawa ang magsosyo sa negosyo. Malay natin na sa kaso nila, mas tumatag ang kanilang relasyon.

-Nitz Miralles