NAKATANGGAP ang nasa 30 magtatanim ng sibuyas, ang unang batch ng benepisyaryo, ng P487,000 pondo mula sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute (ATI) Regional Office 1 (Ilocos).
Sa isang panayam nitong Lunes, sinabi ni agricultural technician Zyra Orpiano na ang pondo ibinigay ay isang “great help” sa mga magsasaka na ang mga taniman ay nawasak ng mga peste nitong nagdaang taon, dahilan upang ideklara ng bayan ng Bayambang, Pangasinan ang state of calamity.
Iminungkahi ni Orpiano ang proyektong Rice-Based Oplan Harabas sa isang seminar nitong nakaraang taon para sa Agricultural Development and Extension Officers of the Community (AgRiDOC).
“At that time, we need to come up with a project to be proposed to the DA for funding. I thought of helping the onion industry since our onion farms in Bayambang have been devastated by armyworms for the three consecutive years,” aniya.
Nitong nakaraang linggo, ibinigay na ang pondo sa mga onion farmers, na mga miyembro ng Manambong Parte Farmers’ Association sa Bayambang, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office.
Pagbabahagi pa ni Orpiano, kabilang sa unang bahagi ng proyekto ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga nagtatanim ng sibuyas kung paano mababawasan ang kanilang paggamit ng mga pesticide.
“We have seen that the excessive use of pesticides and inorganic fertilizer was one of the causes of armyworm attacks in their farms hence, we wanted to address that into the use of biological insecticide and organic fertilizers,” aniya pa.
Ang pagpopondo mula sa DA ay ikalawang bahagi ng proyekto na layuning matulungan ang mga magsasaka sa kung ano ang kanilang kailangan.
“It is by roll-over fund scheme, meaning the 30 beneficiaries will pay the amount to their organization so that next year, another batch of farmers can utilize the fund and so on. We hope they could implement the project well,” ani Orpiano.
Ang pondo na ibinigay ay gagamitin sa pagbili ng mga binhi na kasalukuyan nang nasa bidding, ayon sa pagbabahagi ng opisyal.
PNA