Agaw-eksena sa Traslacion ang marriage proposal ng isang deboto ng Poong Nazareno sa kanyang nobya, sa tapat ng Quiapo Church sa Maynila, kahapon.

Nagpalakpakan ang mga deboto sa paligid ng simbahan nang lumuhod ang debotong si Christian Genese, 23, at inalok ng kasal ang kanyang nobyang si Christine Orpiano, 21.

Ilang kaibigan ni Genese ang naglabas ng mga spapel na may katagang, "Will you marry me?"

Ang magkasintahan, na kapwa deboto ng Nazareno, ay anim na taon nang magkasintahan at nakatakda silang ikasal sa Biyernes, ngunit kahapon lamang naging pormal ang pag-aalok ng kasal dahil nais umano ni Genese na isagawa ito sa harap ng maraming tao.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

-Mary Ann Santiago