HINDI nagpatumpik-tumpik si Kris Aquino at agad na sinagot ang akusasyon ng netizen na si @anne_francisco na nagpopondo siya ng destabilization plot laban sa administrasyon ni President Rody Duterte.

Kris copy

“@anne_francisco you will really believe incomplete screenshots? (sa accusation mong destabilization ang pinopondohan ko). Unfortunately my hand has been forced so I’ll tell a painful family truth. And I am saying sorry to my Ate for not having been able to keep this quiet.

“Look at my feed from when I posted why I knew why President Duterte won. Have you ever seen a photo of our family complete? Direct to the point—‘di ba mga anak ko lang ang nakasama ng Tito Noy nila? Once lang kami nag-usap, in Kuya Josh’s hospital room. Nag-text ako ng ‘thank you’ because the person who has never asked for a favor, did, to fly me out of Indonesia when I had my anaphylaxis.

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

“Hindi n’yo ba napansin bakit solid na kaibigan si Bong Go? To clarify how come I have always praised him? Kasi he helped facilitate our landing & helped me several times...ano bang expertise ko, mag-endorse. Hindi ako magaling sa siraan, hindi ko ‘yan strength because I made a career convincing you to like something or someone... Marketing 101.

“Kung minsan mas okay to just be ignored...I never wanted you to know kasi ang hinahangaan n’yo sa ‘min—we are a united family.

“But the truth is since that Sunday night in April, my brother & I have been estranged. But he loves my sons enough na sila parating invited. Naiyak, bwisit... I hate that this will hurt my Ate but I cannot allow another half truth to be spread about me.

“Happy na sana ang mga Falcis, ito ‘yung ginusto nyo. Malaman ng lahat na hindi kami okay ni Noy. Para ang dilawan talikuran ako since obviously ang DDS never akong gugustuhin. Pero sino ba ang nambalahura kay President Duterte? “But this is the price of TRUTH. And in a sense it is liberating because now I can just be ME & I can freely choose who I want to support. I am sorry mom, hindi napanindigan ‘yung promise in Makati Med na come what may hindi kami mag-aaway.”

Anyway, sa latest post ni Kris sa Instagram ay pinapa-save niya sa followers niya ang isang post “and use it against me if I seek political office as proof: Walang isang salita si Kris’.”

Post ni Kris: “I am an Aquino but I lack 2 traits that Ninoy, Cory, and Noy all shared- selflessness and simplicity. That’s why I know, I’ll never be deserving of your votes. Believe me, I’m not healthy enough for politics. Reality check kahit mababaw, totoo: sa pulitika bawal ang Chanel, Gucci, etc. kasi hindi tama dahil hindi pa mayaman ang Pilipinas.

“Ngayon okay dahil alam n’yo how hard I still work. Nakita n’yo naman, pumoporma pa rin kahit ito na ang hinaharap. My strength is marketing but if I sold myself sa campaign, super EPAL ako. Pinoys vote for inspiring, low maintenance candidates.”

Nabanggit din ni Kris habang nasa Singapore siya na prominent ang “butterfly rash” sa mukha niya. Isa ang butterfly rush sa mga sintomas ng lupus, pero sabi nga niya, magagaling ang mga doktor niya and let us pray na sana ay gumaling na siya.

-Nitz Miralles