Sa nakalipas na 221 taong tradisyon, parami nang parami ang mga deboto Itim na Nazareno na nakikiisa sa prusisyon o ‘Traslacion’.
Bitbit ang kani-kanilang bimpo upang ipahid sa Poong Nazareno, iba-iba ang dahilan ng bawat deboto sa kanilang pamamanata.
Kabilang dito si Ronald Zamora, 22, ng Pasig City, na ikaapat na beses nang nakikiisa sa Traslacion.
“Nabagok ‘yung tatay ko, 50 50 na siya tapos kay Nazareno lang ako humiling na sana magising ulit. Ilang araw pagkatapos kong lumapit sa Kanya gumaling ang tatay ko,” kuwento niya.
“Naka-graduate ako at ngayon magti-take na ako ng criminology board exam. Sana makapasa ako. ‘Yun naman ang panalangin ko kay Nazareno ngayon,” dagdag ni Zamora.
Tatlumpung taon naman nang deboto si Benedict Hernandez, 52, mula sa Pampanga.
“Lahat naman ng hiniling ko sa poon sinasagot Niya pero kung hindi naman dapat magpasalamat pa rin tayo. Okay lang kung hindi makakain nang maayos basta makita ko lang ang Poong Nazareno,” nakangiti niyang pahayag.
Unang beses namang makiisa ni Ana San Jose, 18, ng Tondo, Maynila.
“Nakakaba pero at the same time magaan sa loob. Hindi mo alam ang mga susunod na mangyayari pero kailangan mo lang maniwala sa Kanya,” aniya.
Napatunayan naman ni Julius Bulawan, 17, ang milagro ng Nazareno.
Noong nakaraang taon, gumaling ang kanyang lola sa high-blood nang ipahid niya rito ang panyong pinunas sa Poong Nazareno.
“When I was young, I was wondering why so many people were participating in this. I was actually skeptical about the procession. But not until I threw my towel and had it dabbed on the Black Nazarene for the first time during ‘Traslacion’ last year. When I went home, I wiped that on my sick grandmother. And just a few days after, she got healed from high-blood,” kuwento ni Bulawan.
Dahil dito, nangako siya sa Nazareno na habambuhay siyang mamamanata bilang pasasalamat.
“I really vowed to Jesus Christ that I will praise him every day and that I will be here every feast of the Black Nazarene,” aniya.
Nagbahagi rin ng karanasan si Ryan Reyes.
“When I went to mass at Quiapo Church, my mother was supposed to undergo brain surgery. I prayed. And when I went home, I was told that her medicines already worked and she did not need operation anymore,” kuwento niya.
Matapos nito ay taun-taon na siyang nakikiisa sa prusisyon.
Ngunit noong 2010, tumigil siya dahil sa dami ng tao at nagkakaloob na lamang ng libreng mga pagkain sa mga deboto.
“During my first year, I was penniless. I came with an empty stomach and had nothing to quench my thirst. This is why I thought this as my devotion in exchange of joining the procession,” paliwanag niya.
-Nina Erma R. Edera, Ria Fernandez,
at Jhon Aldrin Casinas