BALAK ni Blackwater Elite Governor Silliman Sy na isangguni sa PBA Commissioner’s Office ang estado ng second-generation player na si Bobby Ray Parks, Jr. para sa kanyang rookie season.

Ayon kay Sy, nais nilang maging available ang kanilang second overall pick sa nakaraang 2018 draft para sa 2019 Philippine Cup ngunit wala itong kasiguruhan dahil naglalaro si Parks sa San Miguel Alab Pilipinas sa ABL.

‘Hindi naman parang intervention (from PBA). We want the Commissioner’s Office to decide on this. Yung timing lang kung kailan siya lalaro,” ani Sy.

May posibilidad kasing sundan ni Parks, Jr. ang 2017’s first overall pick Christian Standhardinger noong nakaraang season kung saan hindi nakalaro ang Beermen big man sa 2017-2018 Philippine Cup dahil naglaro pa ito sa Hong Kong sa ABL.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, ayon kay Sy ang kaso ni Standhardinger ay may board resolution habang ay kay Parks ay wala.

“Itong case, ang sinasabi ko lang. Christian has this board resolution and board approval but we are verifying this muna. Commissioner’s office is verifying this. Verification means titingnan muna yung past resolutions,” ayon pa kay Sy.

“Then he will decide on it after he does his research on this one.”

Kailangan ng Elite ng player dahil sa pagkawala nina 6-foot-7 slotman Poy Erram, gunner Paul Zamar, at floor general John Pinto dahil sa trade.

“We wait and see the next coming days kung ano ang decision ni commissioner (Willie Marcial),” wika pa ni Sy.

-Marivic Awitan