Hindi pa nakakapagsimulang makabawi sa mga hindi magandang kaganapan na dinanas ng kanilang koponan noong isang taon, isang negatibong pangyayari ang agad sumalubong sa TnT Katropa ngayong 2019.
Dalawa sa kanilang mga beteranong big men ang hindi makakalaro sa unang bahagi ng 44th season opener- PBA Philippine Cup matapos minalas na mainjured sa nakaraan nilang tune--up game kontra NLEX.
Nangunguna na rito si Gilas Pilipinas standout Troy Rosario na aksidenteng nabasag ang ilong makaraang di sinasadyang tamaan ng siko ni JR Quinahan sa nasabing laro na ipinanalo ng Road Warriors, 95-90 noong bago maghiwalay ang taon.
Base sa ginawang pagsusiri ng mga doktor, aabutin ng apat hanggang 6 na buwan ang pagpapagaling ng injury ng 26-anyos na si Rosario.
Bukod kay Rosario, disgrasya ding nagtamo ng sugat sa naturang laro si Yousef Taha sa kanyang noo matapos makipag-agawan sa rebound kay Raul Soyud.
Matapos tahiin ang sugat, kailangaddn itong ipahinga ng hanggang dalawang linggo para ganap na maghilom.
Dahil sa pagkawala nina Rosario at Taha, nalabi na lamang na big men parasa Katropa sina Kelly Williams at ang bagong lipat na si Michael Miranda.
-Marivic Awitan