COTABATO CITY – Away pulitika ang sinisilip na motibo sa tangkang pagpatay sa alkalde ng Libungan sa North Cotabato, kamakalawa.

Sa ulat, pasakay na si Mayor Christopher “Amping” Cuan sa kanyang service vehicle sa bisinidad ng Libungan town hall nang marinig ang mga putok ng baril at nasilayan si Alejandro Catulong, 57, janitor, bandang 1:40 ng hapon.

Ayon kay Senior Insp. Ofre Julian, Libungan COP, si Mayor Cuan ang target ng gunman, na gumamit ng M-16 armalite rifle at sakay sa puting Nissan van.

Si Catulong, na nakatayo sa likod ng alkalde, ay tinamaan ng bala sa kaliwang balikat at agad na isinailalim sa operasyon at patuloy na nagpapagaling, ani Ofre.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dagdag pa ni Ofre, nagpa-blotter si Cuan noong nakaraang buwan hinggil sa umano’y banta sa buhay nito

-ALI G. MACABALANG