BALIK na sa operasyon nitong Sabado ang pantalan ng Tubigon, Bohol nang matapos ang pagsasaayos ng mga nasirang bahagi nito dulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama sa lugar, limang taon na ang nakalilipas.

Pinabilis ang pagsasaayos at pagpapaganda ng pantalan matapos ang ginawang inspeksiyon sa lugar ni Transportation Secretary Arthur Tugade noong Marso 2018.

“Under the leadership of Philippine Ports Authority general manager, Jay Santiago, and PPA Port Management Office (PMO) - Bohol port manager, James Gantalao, with the guidance of Secretary Tugade, the repair was completed in less than nine months,” pahayag ng PPA.

Kaya na ngayong tumanggap ng pantalan ng 28 barko, kabilang ang mga naglalakihang saakyang-pandagat, na halos triple ng dati nitong kapasidad na sampung barko. Mayroon din itong tatlong roll-on, roll-off (RORO) pantalan para sa pagbababa ng mga craft tanks at iba pang kargamento.

Air-conditioned ang gusali para sa terminal ng mga pasahero na kayang pagsilbihan ang nasa 4,000 pasahero kada araw mula sa dati nitong 1,500 kapasidad. Mayroon ding child care station facility at mga security facilities, kabilang ang baggage X-ray machine at walk-through metal detector.

Kasama rin sa naging rehabilitasyon ng lugar ang pagtatatag ng mga one-stop shop para sa mas magaan na proseso ng pagbabayad sa mga port charges; pagsasaayos ng mga tawiran, lighting system, panseguridad na mga bakod at daanan; at pagpapaganda ng kalsada na madadaanan papunta sa pantalan.

“The rehabilitation of the Tubigon port forms part of the government’s infrastructure plan to further develop Bohol’s economy, which was severely affected by the devastating quake that left hundreds dead and billions of pesos worth in damages,” ayon sa PPA.

Ang Tubigon port ang magsisilbing pangunahing daungan para sa mga sasakyang-pandagat na tumatawid sa rutang Tubigon-Cebu City, at isang alternatibong paraan ng transportasyon para sa mga naglalakbay mula Bohol patungong Cebu o vice versa na magpapadali sa oras ng biyahe.

PNA