NOON pa pala kinukulit ni Kitchie Benedicto ang ilang kaibigan niyang movie producers na gawan ng pelikula ang istorya ng buhay ni Boy Tokwa, na kilala sa Olongapo City at best friend ng yumao niyang asawang si Ver Paulino.

Jose

Si Kitchie ang producer dati ng Superstar Show ni Nora Aunor, na nang ikuwento niya kay Senator Tito Sotto ang istorya ni Boy Tokwa ay kaagad niyang nakumbinse ang huli na isapelikula ang buhay nito, under VST Productions ng senador.

Idinirek ni Tony Y. Reyes ang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo, na pinagbibidahan ni Jose Manalo, at showing na kahapon, January 8.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Tito Sen, why Jose Manalo, at bakit hindi ang kapatid mong si Vic Sotto na komedyante rin naman?” tanong ni Yours Truly sa presscon ng movie sa Shangri-La EDSA last Sunday, na nataon sa 12th day of Christmas, as in Three Kings Day.

“Palagay ko kasi bagay na bagay kay Jose Manalo ang role, lalo na ‘yung mahaba ang kanyang buhok, may bigote. At saka iba rin kasi ang style niya sa pagpapatawa. Pareho sila ni Vic na may kanyang sariling style when it comes to comedy acting,” sagot ng senador.

“Saka para sa akin, saktong-sakto si Jose Manalo sa role kasi mukhang tokwa, eh. Lalo na ‘yung landscape ng kanyang pisngi,” dagdag pa niya sabay tawa, na ikinahalakhak din ng lahat.

Wala naman si Jose sa presscon dahil kinailangan nitong dumalo sa isang mahalagang family reunion sa probinsiya. Nasa presscon din si Direk Tony.

“We thank our Lord God Jesus Christ na natapos namin ang pelikulang Boy Tokwa na walang nangyaring aberya. Si Jose kakatawag lang sa akin, na hindi siya makakapunta ngayon dito. Kaya huwag na nating tawaging presscon ito kundi get-together natin for this year 2019.”

“Sen. Tito bakit po tinawag na Boy Tokwa si Boy. May pagbrika ba siya ng tokwa or nagtitinda ba siya ng tokwa sa Olongapo? At kaya ba siya naging Lodi ng Gapo ay dahil isa siyang mapagkawanggawa sa kanyang mga kababayan?” tanong uli ni Yours Truly.

“Oo, mapagkawanggawa siya sa mga tao. Tumutulong siya sa mga nangangailangan. Wala siyang pabrika ng tokwa, kundi mukha siya talagang tokwa,” natawang sabi ni Tito Sen.

“Ano, siya, Robin Hood sa Olongapo ‘yon. Ugali talaga niya ang magbigay kahit wala nang matira sa kanya. At ang mga luko-luko dun sa Gapo siya ang sinusunod.

“Nagkaroon siya ng asawang Amerikana. Buhay pa until now. Pero si Boy patay na. Brain tumor ang kanyang ikinamatay.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagpo-produce ng VST Productions after Boy Tokwa?

“Malaki ang possibility na malamang kasi meron kaming isang pine-prepare. Meron kaming binubuo with Director’s Guild, saka ‘yung iba-ibang guilds sa industriya. Bnubuo namin ‘yung part ng national film commission, na rito pagsasama-samahin na ‘yung mga kakulangan ngayon or kabutihan ng, like ‘yung kakulangan or kabutihan ng Film Academy of The Philippines, lahat pati yung OMB (Optical Media Board), eh, bububuin namin ito para makatulong sa industriya.

“And also by giving work to the people in the industry, eh. Malaking bagay na nakakatulong din tayo. Sa katunayan nga ay meron kaming pinag-uusapan ni Direk Tony Reyes na magagandang istorya na puwedeng isunod (sa Boy Tokwa), eh.”

Kaya ang kasunod na hirit na lang ni Yours Truly, malamang siguro ang maging sequel ng Boy Tokwa ay Boy Baboy naman, because Year of the Pig ngayong 2019. Joke! Tawanan na lang ang lahat.

O, siya, don’t forget to watch Boy Tokwa, na showing na ngayon in theaters nationwide. Bilin ni Direk Tony, magdala daw kayo ng diapers at baka daw kayo maihi sa katatawa. Boom, yun na!

-Mercrcy Lejarde