Isang magandang taon ang 2018 para sa Team Lakay pero para sa ONE Strawweight World Champion na si Joshua “The Passion” Pacio, naniniwala siya na may mas maganda pang mangyayari ngayong taon.

Si Pacio ang una sa apat na ONE World Champions sa Team Lakay na dedepensa sa isang World Title sa laban niya kay Yosuke Saruta ng Japan sa main event ng ONE: ETERNAL GLORY sa Jakarta, Indonesia sa Sabado, Enero 19.

ANg 22 anyos na prodigy ay siguradong ang pagkapanalo ng Team Lakay noong 2018 ay ang simula pa lamang. Sa pagsusumikap at dedikasyon ni Pacio, alam niyang magpapatuloy ang pagpanalo ng Team Lakay sa ONE Championship.

“For me, 2018 has been absolutely amazing, especially for our team, but it’s only the beginning. I am still young, hungry, and determined, despite having the belt around my waist,” sabi ni Pacio.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“My main goal, of course, is to defend my title to the best of my ability. Right now, I am set to defend my title against another tough Japanese opponent in Yosuke Saruta.

“Getting through that will be the first step. I’m still evolving and developing as an athlete. I don’t think the world has seen the best of Joshua Pacio yet.”

Marami nang naririnig si Pacio na nahihirapan ang mga martial artists ng Team Lakay kapag napupunta na sa ground ang laban. Ipinakita niya na mas mahusay na siya sa aspetong ito matapos niyang mapasuko si Lan Ming Qiang at Pongsiri Mitsatit sa unang round pa lamang ng laban nila.

Binanggit din niya ang unanimous decision na panalo niya laban kay Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE Strawweight World Championship sa ONE: CONQUEST OF HEROES sa Jakarta, Indonesia

“A lot of people said in the past that Team Lakay has no ground game. We worked very hard to change that, despite our meager resources. Like we love to say, it’s not Brazilian Jiu-Jitsu. It’s Baguio Jiu-Jitsu,” sabi niya.

Sa patuloy na pag-unlad niya sa kanyang team, sigurado si Pacio na mas kaya na nila na depensahan ang mga titulo at patunayan na ang 2018 ay umpisa pa lamang para sa Team Lakay.

“This is our chance to prove that we deserve the belts that we have," paliwanag ni Pacio. "It belongs here in the Philippines. We will defend it with faith and hard work. We research, study, and learn. We adapt, and we apply."

“I am so proud to be a part of Team Lakay and to represent my country on the global stage of ONE Championship," he added. "I will do everything I can to keep the title.”