DATI nang malabo ang relasyon na lalo pang lumabo dahil hindi na nagkaroon ng maayos na komunikasyon sina McCoy de Leon at Elisse Joson simula nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa Star Magic Ball last year.
Ito ang nalaman namin sa interview namin sa dalawa sa presscon ng Sakaling Maging Tayo, unang pelikulang pinagbibidahan ng love team nila.
Hindi malinaw ang pagiging magkasintahan nila, na “parang kami na” ang description nila.
Tuluyan nang nagkahiwalay ang McLisse, dahil ayon sa spy namin sa ABS-CBN, may bago nang lalaking malapit si Elisse.
Pero na-appreciate ng entertainment writers na dumalo sa presscon ang honesty ng dating lovers.
Pareho silang umamin na kung magkakaroon ng second chance ang relasyon nila, sisiguraduhin na nilang masaya sila sa piling ng isa’t isa.
Hayun, hinayang na hinayang ang lahat dahil mukhang may mga puwersa lang na hindi nila nakontrol kaya naudlot ang love story nila sa tunay na buhay.
Ramdam pa ang dating pagtatangi nina Elisse at McCoy sa isa’t isa, pero iba na ang sitwasyon nila. Nagbabago a n g kalagayan sa panlabas na mundo, pero ang mundo sa loob ng p u s o , may dating damdamin pa ring natitira at hindi naiba.
O, hugot ‘yan, hahahaha! Pasensiya na po, nakakahawa kasi ang McLisse!
Sa istorya ng Sakaling Maging Tayo, first year college sina Pol (McCoy) at Laya (Elisse), na “hindi sinasadyang nagkakilala” noong huling araw nila sa school sa Baguio City. Babalik na ng Manila si Laya para makalimot sa bigong pag-ibig at dadalo naman si Pol para magpakasaya sa isang music festival.
Na s aks ihan ni Pol ang breakdown ni Laya at naisipang pasayahin
ito at bigyan ng masayang alaala sa huling gabi nito sa Baguio.
Pagkakataon na rin ni Pol na makapiling ang dalaga na matagal na niyang hinahangaan mula sa malayo.
K u n g s a k a l i n g maging “sila”, ito ang isasalaysay ng bagets pang direktor na si JP Habac. Sa January 16 na ang playdate ng pinakabagong Black Sheep movie.
-DINDO M. BALARES