BINEBERIPIKA na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang status ng pananatili sa bansa ni Tony Labrusca, matapos niyang bastusin ang isang immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Enero 3. Sinabi ni Immigr a t ion Por t Operations Chief Grifton Medina na gumawa na ng report ng insidente ang nasabing immigration officer, at naisumite na ang nasabing ulat sa BI main office. Hinihintay na lang umano ang magiging aksiyon ng mga komisyuner ng BI sa insidente.

Tony copy

“I think Mr. Labrusca already apologized to our officers in social media, and for our part maybe that’s enough,” sabi ni Medina.

G a y u n m a n , s a k a l i n g makumpirma ng BI na walang working permit si Tony ay posibleng maipa-deport ito.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Una nang iminungkahi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipa-deport ang aktor pabalik sa Canada dahil sa nangyari.

“Just deport him,” diin ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr.

Ang 23-anyos na bida ng Glorious ay anak ng isang Pilipinang dating modelo, si Angel Jones, at ng dating artistang si Boom Labrusca. Lumaki siya sa Canada.

Matatandaang inulan ng batikos si Tony dahil sa pagiging arogante at paninigaw sa immigration officers matapos siyang bigyan ng 30 araw lang para manatili sa bansa.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na hindi maaaring mag-asal si Tony na espesyal at mag-claim bilang balikbayan dahil isa siyang dayuhan, batay sa mga dokumentong hawak ng aktor.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Tony sa nangyari, inamin ang kanyang pagkakamali, at sinabing dismayado lang siya dahil hindi niya alam ang polisiya hinggil sa Balikbayan Privilege.

-ARIEL FERNANDEZ at BELLA GAMOTEA