‘All systems go’ na ang Manila Police District (MPD) para sa pagdaraos ng Traslacion 2019 bukas, Enero 9, sa Quiapo, Maynila, na inaasahang lalahukan ng milyun-milyong deboto ng Poong Nazareno.

KAMI’NG BAHALA Aabot sa 2,000 sundalo ang sinimulan nang ipakalat kahapon sa labas ng Simbahan ng Quiapo sa Maynila, para bantayan ang kaligtasan ng mga deboto sa Traslacion, bukas.  (CZAR DANCEL)

KAMI’NG BAHALA Aabot sa 2,000 sundalo ang sinimulan nang ipakalat kahapon sa labas ng Simbahan ng Quiapo sa Maynila, para bantayan ang kaligtasan ng mga deboto sa Traslacion, bukas.
(CZAR DANCEL)

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Vicente Danao Jr., handang-handa na ang mga inilatag nilang seguridad upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang naturang relihiyosong okasyon.

“All systems go na po tayo this coming Trasclacion activities,” ani Danao.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Aniya, bahagi ng mga inilatag nilang seguridad ang pagbubukas ng checkpoints sa mga hangganan ng lungsod, at mga kalapit nitong siyudad.

Nilinaw naman ni Danao na wala silang na-monitor na anumang pagbabanta sa Traslacion, ngunit mananatiling naka-full alert ang pulisya upang matiyak na hindi malulusutan ng masasamang element, na posibleng maghasik ng kaguluhan sa okasyon.

Muli ring nagpaalala si Danao sa mga deboto na hindi nila papayagan ang pagbibitbit ng mga de-kolor na water container, gayundin ang mga backpack.

“We are taking it from our past experiences po lalung-lalo na po sa Davao,” sinabi ni Danao sa isang panayam sa telebisyon. “Karamihan po ng ginamit doon sa pambobomba ay nakalagay sa backpack. Ang iba po dun inilagay sa canisters o lalagyan po ng tubig na de-kolor.”

Bawal din sa Traslacion ang anumang armas, patalim, paputok, at alak, batay na rin sa umiiral na liquor ban.

Sa panahon ng Traslacion bukas, papatayin ang signal ng cell phone sa dadaanan ng prusisyon, at magpapatupad din ng no fly at no sail zone.

Hinikayat rin ang mga deboto na huwag nang magdala ng cellphone at malaking halaga ng pera, at huwag magsuot ng mga alahas. Mariin ding ipinapayo na huwag magsasama ng bata.

Nasa 7,200 pulis ang ikakalat sa ruta ng prusisyon.

-Mary Ann Santiago