Gumawa ng kasaysayan ang siyang target ngayon ng Philippine Men's National Football sa kanilang kampanya sa 2019 AFC Asian Cup sa United Arab Emirates.

younghusband

Humarap ang Azkals kontra South Korea bilang opening salvo ng kanilang pakikipagsapalaran sa larangan ng football, Lunes ng gabi sa Al Maktoum Stadium sa Dubai.

Hindi maikakaila sa isang powerhouse team sa football ang koponan ng South Korea ngunit isa lamang ang nais na maisakatuparan ng koponan ng Pilipinas, ang magwagi ang makapag-uwi ng karangalan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit naman nangangahulugan na susuko agad ang tropa nina team captain Phil Younghusband at ang bagong coach nito na si Sven-Goran Eriksson na pipiliting makasilat ng unang panalo sa nasabing kompetisyon.

Kapuwa nasa group D ang mga koponan ng Pilipinas at South Korea, ngunit kinikilalaang huli sa pinakamalakas na koponan sa nasabing grupo, gayung nasa 53 ang kanilang standing sa world , bukod pa sa kanilang runner-up finish noong 2015 sa nasabing quadrennial tournament.

Pinakahuli man ang ranking ng Azkals sa grupo, sisikapin naman ng Team Philippines na ipakita sa mundo ng football na kaya nilang talunin kahit ang pinakamalakasbansapa, gaya ng South Korea.

Hahahmunin naman ng South Korea ang tibay ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mga pambato na sina Ki Sung-yeung na naglaro sa Newcastle United, kasama si Hwang Ui-jo ng Gamba Osaka, at Son Heung-ming, na kasalukuyang nasa Tottenham na makaksama ng koponan sa kanilang kampanya dito.

-Annie Abad