Lahat tayo ay naranasan na ang ma-bully, kahit pa ang ONE Heavyweight World Champion na si Brandon “The Truth” Vera

Sa kabila pagkakaroon ng malaking pangangatawan noong kabataan niya, inamin ni Vera na napagdaan din niya ang ma-bully habang lumalaki siya.

Kaya naman nang lumabas ang video tungkol sa isang high school student na sinasaktan ang kanyang kaklase sa isang kilalang eskuwelahan dito sa Pilipinas, agad ibinahagi ni Vera ang kanyang opinion sa isyu.

“I was bullied when I was growing up, even though I was the bigger kid. Bullying is a very serious problem, both for the bullies and the bullied,” bahagi niya. “They both need our help.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Habang madaling isisi ang lahat sa bully, naniniwala si Vera na ito ay isang komplikadong problema na hindi agad nasosolusyunan at kinakailangan ng oras at tiyaga bago makahanap ng solusyun.

Para kay Vera, may anim na hakbang na dapat gawin ang dalawang panig. ANg 41 anyos na Fil-Am martial arts superstar ay ginamit ang acronym na “RESBAK”, na isang salitang Pinoy para sa revenge.

RESBAK stands for: R – report to school and family, E – educate others to speak up, S – share how you feel with those who can help, B – believe in yourself, A - act quickly, and K – know that you are loved.

Naniniwala si Vera na ang video niya ay isang paraan upang mas lumaganap ang kamalayan ng lahat at mas makalikha ng maraming solusyon sa problema.

Ang bullying ay matagal nang community issue na kinakailangan ng isang community solution. Lahat ay kailangan maging bahagi upang maging matagumpay ito.

“All of us can help through RESBAK. Together, we can all make a difference,” pahayag ni Vera.