Pinagsasaksak at napatay ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Akyat-Bahay ang isang 64-anyos na babae at 14-anyos nitong apo, habang nasugatan ang isa pang bata, sa Plaridel, Bulacan, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat kay Bulacan Police Provincial Office director, Senior Supt. Chito Bersaluna, kinilala ni Supt. Laurente Acquiot, hepe ng Plaridel Police, ang mga napatay na sina Sylvia Castillo, 64; at Cyrene San Pedro, 14, habang nasugatan naman si James Cyrus Maliksi, 7, pawang taga-Isabel Village, Barangay Tabang.
Sa paunang report ng mga awtoridad, nagising ang mga biktima matapos looban ang kanilang bahay.
Tinangka umanong lumaban ng mga biktima, ngunit sinalubong sila ng sunud-sunod na saksak ng mga suspek.
Dead on arrival sina Castillo at San Pedro sa ospitalm dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.
Ginagamot pa rin si Maliksi dahil din sa mga saksak sa katawan.
Ayon pa kay Acquiot, tumakas ang mga suspek tangay ang mga ninakaw sa mga biktima.
Freddie C. Velez