Hindi magiging hadlang sa relasyon ng koponan ng San Miguel Beer at ni Terrence Romeo ang mga isyung kanyang kinasangkutan sa mga dati nitong koponan.
Ito ang siniguro ni San Miguel Beer coach Leo Austria sa pagtanggap ng koponan kay Romeo.
Hindi kaila sa management ng Beermen ang hindi magandang relasyon ni Romeo sa kanyang mga dating koponan na Globalport at TNT.
Hindi na umano mahalaga ito ngayong nasa koponan na ng San Miguel Beer ang kontrobersyal na manlalaro.
Ayon kay Austria, nakaraan na umano kung anuman ang mga nangyari kay Romeo sa kanyang mga dating koponan at hindi na nila ito alintana.
“What we’re thinking about is his present, his present situation right here,” pahayag ni Austria.
Sa kasalukuyan ay pilit na sumasabay si Romeo sa practice ng beermen upang lubos na makilala ang kanyang bagong mga kakampi at bagong koponan na tumaggap sa kanya ng buong loob.
“What we want from his is to work hard with the team and follow the system,” pahayag pa ni Austria.
Kailangan lamang umano ni Romeo na magkaroon ng magndang relasyon sa kanyang mga ka teammates pagkat naniniwala umano si Auistria na siya ay isang magaling na manlalaro.
Agad namang nagpakiutang giolas si Romeo sa ensayo pa lamang na siyang ikinatuwa ni Austria at ng buong koponan.
“Makikita mo talagang very impressive.He has a different work ethic eh, his passion in playing basketball is really high. Makikita mo na siguro nung pinanganak siya may kasama nang bola eh,” pahayag pa ni Austria.
-Annie Abad