Nagkampeon ang national team member na si Ken Chua sa idinaos na Philippine Bowling Federation National Match Play sa nagdaang weekend na idinaos sa Coronado Lanes sa Star Mall sa Mandaluyong City.

Nagawang pangatawanan ni Chua ang pagiging topseed sa 14-man field na kinabibilangan din ng mga kapwa niya national bowlers.

Dalawang beses tinalo ng Asian Indoor Games silver medalist na si Chua si Raoul Miranda, 270-188 at 179-156 gayundin si Gavin Co, 246-162 at 279-165 pins upang umusad sa finals.

Sa finals, nakaranas sya ng kabiguan sa unang laban bago nanaig sa huling dalawang tapatan para maangkin ang titulo kontra sa nakaraang taong World Cup representative na si Merwin Tan, 192-241, 211-191 at 218-171.

Ang panalo ang ikatlong leg na napanalunan ni Chua bukod sa apat na runner-up finishes sa year long ranking tournament ng PBF na bahagi ng kanilang ginagawang paghahanda para sa SEA Games at iba pang international tournaments.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

-Marivic Awitan