SA lahat ng Christmas gifts na natanggap ni Rochelle Pangilinan last year ay sobrang touched siya sa regalo ng isa sa kanyang co-stars sa seryeng Onanay na si Nora Aunor, or Ate Guy to many, na isang baby stroller na punum-puno ng iba’t ibang infant items para sa isisilang na panganay nila na si Arthur Solinap.

Rochelle at Nora

Ibinahagi ni Rochelle ang kanyang labis na katuwaan sa kanyang social media account: “Share ko lang ang mga kaganapan. Simula nang nakilala ko sa Onanay si Ms. Nora Aunor, napahanga na ‘ko sa ugaling ipinapakita niya sa ‘kin, sa fans niya, sa lahat ng tao sa set ng Onanay.

“Yung lagi ko siyang makaeksena ay sapat nang regalo sa ‘kin ngayong Pasko, pero ginulat niya ko sa pa-surprise niyang gifts sa ‘kin. Biniro ko pa siyang ‘binigyan mo naman ako ng surprise baby shower’ sabay tawa namin.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Pero nung pauwi na ‘ko ng bahay, ang naisip ko lang ay ‘yung naisip niya ‘kong pagkaabalahan o pag-isipan pa, puwede namang simple na Christmas gifts lang, like pagkain o gamit ng babae, etc.

“Pero naisip niya kami ng baby ko… pinag-isipan niya talaga! ‘Yung pagkaabalahan ka ng nag-iisang Superstar simula nunng bata pa ‘ko at binigyan ako ng halaga. Ang saya-saya talaga! Kaya pala maraming nagmamahal sa kanya at hanggang ngayon ay nandyan pa din sila.

“Hindi ako magsasawang ikuwento, hanggang sa magiging apo ko, ang kabutihan niyang ginawa sa lahat ng tao na nasaksihan ko, sa maikling panahon na nakasama at nakatrabaho ko siya. Sa akin, maraming dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao, hindi aksidente lang. Sa dami ng naikuwento nya sa kin sa buhay na pinagdaanan nya, marami akong natutuhan. I am really blessed.”

Well, iba talaga si Superstar Nora Aunor. Kaya hanggang ngayon ay hindi siya binibitawan ng mga Noranians worldwide and nationwide at patuloy siyang minamahal, hinahangaan at iniidolo. Loding-lodi ang arrived niya mula noon hanggang ngayon. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung umabot na sa more than 100 episodes ang kanilang seryeng Onanay sa Kapuso network.

H i n d i n a r i n nakapagtataka kung muli siyang mabigyan ng magagandang teleserye ng GMA ngayong 2019. Yeah, about that Ma’am Lilybeth Rasonable, Ma’am Redgie Acuña-Magno, at Ma’am Cheryl Sy Sing? Puwedeng-puwede, sa true lang.

-MERCY LEJARDE