TORONTO — Sa Toronto iniangat ni Norman Powell ang Raptors nang itala ang kanyang season-high iskor na 23 puntos matapos na pataobin ang Indiana Pacers 121-105.

Nag-ambag si Pascal Siakam ng 12 puntos at at 10 rebounds, para sa nasabing panalo ng Raptors sa kanbila ng kawalan ni Kawhi Leonard na naging bayani ng koponan sa kanilang huling laro.

IIto ang ikalimang pagkakataon na na humarap sa koponan na may limang sunod na panalo, ngunit nagawa nila itong pigilin. Kasalukuyang may 3-2 rekord na ang Raptors sa kanilang homecourt.

Nagbigay ng 21 puntos si Bojan Bogdanovic para sa sa Indiana at si Domantas Sabonis naman ay may 16 puntos at 11 rebounds, ngunit hindi sapat upang kunin ang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!