Kailangang siguraduhin ng dating Philippine National Police (PNP) Chief at kandidato ngayon sa pagkasenador na si Ronald “Bato” dela Rosa na hindi ipalalabas sa panahon ng kampanya ang pelikula tungkol sa kanyang buhay.

Ito ang naging paalala ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez sa isang panayam hinggil sa pelikula, na tungkol sa buhay ng dati ring Bureau of Corrections (BuCor) director, dahil kapag nagkataon ay magiging paglabag ito sa election rules.

“If showing, whether or not there’s a boycott, there will still be a violation of election rules,” ani Jimenez.

Nakasaad sa Republic Act No. 9006 o “Fair Elections Act” na “no movie, cinematograph, or documentary portraying the life or biography of a candidate shall be publicly exhibited in a theater, television station, or any public forum during the campaign period.”

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ikokonsiderang election offense ang paglabag sa batas, na may kaakibat na parusang isa hanggang sa anim na taong pagkabilanggo, diskuwalipikasyon sa halalan, at pagkakatanggal sa karapatang bumoto.

Ngayong taon inaasahang ipalalabas sa mga sinehan ang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story”, na napaulat na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Sa Pebrero 12 opisyal na magsisimula ang campaign period para sa mga kandidato sa pambansang posisyon, habang sa Marso 29 naman ang mga kandidato sa mga lokal na posisyon.

-Leslie Ann G. Aquino