Hindi good news: May nakaambang malaking dagdag-presyo sa petrolyo sa bansa ngayong linggo.
Batay sa anunsiyo ng industriya ng langis, asahang magtataas ng 80 sentimos hanggang P1 sa kada litro ng gasolina, habang 60-80 sentimos naman sa diesel.
Ang napipintong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, dahil sa foreign exchange trading.
Hindi pa umano kasama rito ang epekto ng ikalawang bugso ng pagtaas ng excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na ipatutupad ngayong 2019.
Enero 1 huling nag-rollback ng P1.90 sa kerosene, P1.85 sa diesel, at P1.30 sa gasolina.
Bella Gamotea