Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang trabaho sa lahat ng korte sa Maynila sa Miyerkules dahil sa taunang Traslacion, na taunang dinadagsa ng milyun-milyong deboto ng Mahal na Poong Nazareno.
Sa huling advisory nito, sinabi ng Korte Suprema na ito “[has] authorized the suspension of work in the Supreme Court, the Court of Appeals, the Regional Trial Courts and the Metropolitan Trial Courts in the City of Manila on January 9, 2019, Wednesday.”
Paliwanag ng SC, ang suspensiyon sa trabaho ay dahil sa inaasahang “difficulty of travel to and from the courts in the City of Manila due to the yearly procession of the Black Nazarene” at alinsunod sa “Executive Order No.1 series of 2019, issued by Manila Mayor Joseph Estrada, ordering the suspension of classes and work in the Manila City government.”
Inihayag nitong Biyernes ni City Administrator Ericson Alcovendaz na iniutos na ni Estrada ang suspensiyon ng pasok sa Manila City Hall at mga eskuwelahan sa siyudad sa Miyerkules.
Nabatid na magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 7,200 pulis para sa Traslacion.
Jeffrey G. Damicog