BUKOD sa mga bagong players, mayroon ding bagong coaching staff na nadagdag sa San Miguel Beer na makakatulong si head coach Leo Austria ngayong 44th Season ng PBA sa katauhan ni dating Gilas star Jimmy Alapag.

Isang malaking sorpresa ang pagbabalik sa PBA ng dating league MVP dahil batid naman ng lahat na nagsimula siya ng kanyang career bilang player at coach sa ilalim ng grupo ni sports patron Manny V. Pangilinan.

“You never know. You never know what lies in the future,” pahayag ng 41-anyos na si Alapag.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Alapag sa magandang oportunidad na ibinigay sa kanya partikular ang pagkakataon na matuto sa ilalim ng dating Coach of the Year na si Leo Austria at mga beteranong coaching staffs nito.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“This is a great learning opportunity for me with coach Leo, coach Ato [Agustin], the rest of the staff.My involvement here is to help – help coach Leo and his staff, help these players in whatever way I can,” pahayag ni Alapag.

Nalulugod din siya sa pagkakataong makita ang patuloy na pag-angat ng laro ng 4-time league MVP na si June Mar Fajardo na nakasama pa niyang maglaro sa Gilas Pilipinas noong 2013 FIBA Asia tilt at 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Umaasa rin si Alapag na magagabayan nya ang bagong lipat na si Terrence Romeo.

Samantala, hindi naman iiwan ni Alapag ang kanyang head coaching duties sa San Miguel Alab Pilipinas sa 9th ASEAN Basketball League.

-MARIVIC AWITAN