KUMPIRMADONG tatlong pelikulang kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang umabot na sa hundred millions ang kinita simula noong Disyembre 25: ang Fantastica ni Vice Ganda (Star Cinema/Viva Films), Jack Em Popoy: The Puliscredibles (MZet Productions, APT Entertainment at CCM Film Productions), at Aurora (Aliud Entertainment at Viva Films).

Base sa report na nakuha namin ay mahigit P400 milyon na ang kinita ng Fantastica, P200 milyon plus naman ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles at P100 milyon ang Aurora. Nabawi na ng tatlong pelikula ang mga puhunan nila kaya kampante na ang mga producer.

Ang Mary, Marry Me na produced ng TINCAN, na pag-aari ng magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga ay hindi pa umaabot sa hundred million, pero maganda na ang ngiti ng mag-ate dahil successful ang first venture nila, kaya sigurado na ang next film nila ngayong 2019.

Walang ibinigay na figures sa amin kung magkano na ang Rainbow’s Sunset na dumami na ang nanonood dahil sa mga awards na natanggap nitong MMFF 2018 Gabi ng Parangal, Disyembre 27. Hindi pa raw bawi ang puhunan, pero napapangiti na ang magkapatid na Hero at Harlene Bautista na may-ari ng Heaven’s Best Entertainment.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kasalukuyang nakabakasyon sa ibang bansa ang Quantum producer na si Atty. Jojie Alonso para sa The Girl in the Orange Dress at naka-monitor naman siya sa lahat ng reviews na pawang magaganda, sana sumampa na rin sa P100 milyon ang kita ng pelikula.

Hindi pa rin umaabot sa hundred million ang kita ng One Great Love ng Regal Films, pero masaya na ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa kinita ng pelikula nila dahil bukod dito ay marami pang awards ang natanggap ng movie.

Obviously, kulelat sa box-office ang Otlum at wala kaming balita kung ano ang reaksiyon ng producers dito at ng direktor na si Joven Tan. Pero for sure masaya sila dahil napasama sila sa 2018 MMFF.

Anyway, umaasa ang pamunuan ng MMFF na maaabot ang P1 bilyon target ngayong 2018.

-REGGEE BONOAN